#NaDuterte rin si Judy

Madaming nagtatanong sa opinion ko sa pagka reject ni Judy Taguiwalo sa Commission on Appointment.

If you ask me kung natutuwa ako, I’ll answer, “No” . Bagamat may mga issue akong tinanong sa kanya na hindi niya nasagot, tulad ng di umano sa pamimigay niya ng trabaho sa mga maka- kaliwang grupo, sa paggamit niya di umano  ng pondo para mabigyan ang mga kasamahan niya sa kaliwa ng food packs kahit wala namang kalamidad at ang di umano  paggawa niya ng special order para sumama ang mga empleyado ng DSWD sa mga rally. Iilan yan na tinanong ko sa kanya na hindi nagkatotoo. Instead of answering the allegations, ang ginawa niya po is to blocked me sa twitter.

Pero OK lang yun. Di naman ako naoffend eh.

Ang point ko lang sa rejection niya, I think just like Gina Lopez, #NaDuterte din sya. Why? All LP senators voted for her confirmation so ibig sabihin most na nagreject sa kanya ay kapartido ni Duterte. Kung talagang gusto sya ni Duterte magpatuloy as a DSWD Secretary, it would be easy for Duterte to talk to his allies, right? Remember these allies ay same na grupo na nagvote sa Martial Law before. So kung nakumbinsi niya before sa usaping yun, mas madali niyang makukumbinsi ang mga to sa pag approve kay Secretary Judy. So I don’t believe na hindi ito alam ng pangulo. May bulong bulungan pa nga na kasisimula palang ng hearing sa pag appoint sa kanya ay may pamalit na ang palasyo eh.  Though I am not sure if those haka-haka were true.

So I therefore conclude na pareho sila ng kapalaran ni Gina Lopez,  pareho silangng #Nadigong sa pangako niya at #NaDuterte sila  kasi hindi sila pinaglaban ng Presidentse nila.

So sino ang papalit kay Secretary Judy?  Maghulaan tayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *