NaDuterte na naman si Juan

Dear Taxpayers,

May bago na naman tayong papaswelduhin. Nagbunga  na ang paninira ni Thinking Pinoy kay VP. Ngayon employed na daw siya sa Malacañang as social media consultant of DFA.

Akalain mo yun kailangan ng DFA ng consultant na nagkakalat ng fake news?  Ang galing talaga ni Tatay Digong, the best and the brightest ang mga pinapasok sa gobyerno!

Ang tanga pa nito ni Thinking Pinoy, since consultant lang daw sya hindi daw siya part ng government. Luh, sino ang magpapasweldo sa yo?  Government ng Timbuktu? Tax ng bayan ang magsesweldo sa pagkakalat mo.

Hiyang hiya naman kami na nagrereklamo sya sa 20k na sweldo. Samantala si Juan na nagtatrabaho sa construction nagbabayad ng tamang buwis para mapasweldo lang sya.

Ngayon kung bubuntot sya sa mga byahe na junket ni President Duterte, di niya na kailangan mang-uto sa mga followers na OFW kasi sagot na ng taxpayers pamasahe niya at pocket money. Oh di ba, para paraan ang makapal ang mukha?

So mga taxpayers, habang nag papakahirap tayo pagtrabaho, ganito gagastusin ng gobyerno ang pera natin. Pangsweldo sa nagkakalat ng fake news.

Habang maraming kabataan ang nagugutom, unahin daw ang pangsweldo sa taga kalat ng fake news.

NaDuterte na naman si Juan.

Galit sa Makapal ang Mukha,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *