NaDuterte ang 16 Million

Dear DDS,

Gaano kasakit ang pinaasa kayo sa pagbabago? Sabi ng Tatay Digong niyo talamak sa droga ang bansa. Papatayin niya ang mga adik na na sumisira sa bayan? Bakit nakalaya sila?

Sabi ng Tatay niyo dati kay Peter Lim “don’t comeback to the Philippines”. Resibo.

Drama pala ang lahat. Suspected drug lords ligtas. Pero mga mahihirap patay.

Pinagloloko kayo mula sa simula. Pag kumpare may due process, acquited pa.

Diba sabi ni Kerwin Espinosa sa Senate hearing nagbigay siya ng P8M kay Sen. De Lima? Kung hindi siya drug lord balewala na yung testimony niya. So nagsinungaling na naman Tatay Digong niyo.

Nakita niyo na mga kaDDS kung paano kayo ginogoyo ng Tatay niyo?

Tapang at Malasakit nga. Tapang sa mahihirap kasi pinapatay at Malasakit sa mga suspected drug lord kasi binubuhay.

Ano na mga bes, kaya pa?

Naaawa sa mga NaDuterte na KaDDEbs,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *