Bakit Iba na ang tono ni Bato?

Dear General Bato,

Nabasa ko po itong statement niyo.

Sabi niyo po, “Kahit na criminal yan, kahit na pusher ‘yan, kahit na drug lord yan,  tao pa rin yan.  THEY DESERVE TO LIVE”

Joke po ba ito?  After 12,000 deaths. Bata, matanda, babae man o lalake, bakla man o tomboy ay walang awang pinagpapatay sasabihin niyo, they deserve to live?

Sa tingin mo, ang mga larawan sa taas natrato ba sila na parang tao? Wag mo kaming lokohin sa pagbabago ng tono mo ngayon.

Bakit kayo nagbago ang tono nang pananalita niyo? Dahil ba nabanggit na ang anak ng presidente na si Paolo Duterte sa hearing sa Congress?

Kung anong klaseng batas ang ginamit niyo sa mahihirap dapat din siguro ganun din ang gamitin niyo sa anak ng presidente. Ang tanong kaya niyo kaya?

Tiktilaokkk!

Galit sa mga Sipsip,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *