My “Visit” to Senator Delima

Dear KaPAB,

Hindi ko pa to nakekwento sa inyo. Ngayon na nakita ko ang pagpapa walang sala sa mga self- confessed drug lord and suspected drug lord, gusto kong ikwento sa inyo kung gaano kaunfair ang pagtrato nila kay Senator Delima.

Last Feb. 24, I went to Camp Crame to visit here. Madami din syang bisita. I waited for 30 minutes muna outside.

While waiting may babae dun na may dalang card na may picture ni Senator Leila, tapos may nakasulat na “Mahal ka namin Senator Leila” at “#FreeLeila”. Hindi pinayagan ng mga pulis makapasok ang card. I was telling myself, “bakit ganun? Eh personal yun na mensahe para sa senadora.” Binuksan na nga nila tapos hindi pa pinapasok.

Second time ko to napagbisita, noong una, lahat ng laman ng bag ko na gadget kahit powerbank pinaiwan, kaya sa second time around para hindi sila mahirapan, sabi ko iiwan ko na lang buong bag.

Pagpasok mo, sa may pinto bago ka makapasok dadalhin ka sa may sulok at doon ka kakapkapan. Pati ang print sa tshirt mo titingnan nila kung ano ang nakasulat. I am wondering bakit sobra ang panggigipit, mula sa card hanggang sa print ng shirt. Iniisip ba nila na maaring tumakas ang senadora dahil sa mga nakasulat? Parang tamang praning lang no?

Nagkwentuhan kami ni Senadora, kahit nakulong sya, maganda pa din aura niya. Medyo pumayat sya pero kuminis ang skin. Hindi pa nga umiinit ang puwet ko sa pagkaupo, may pulis na na lumapit, time is up na daw. Haist, grabe sila no?

Kasabay ko paglabas ang grupo ng kababaihan. Tapos paglabas namin, habang naghihintay, nag decide na magpicture taking sa labas, nagalit si mamang pulis. Bawal daw, tapos hinabol pa talaga yung may camera at pinapadelete ang picture. Sobrang strict ni Mang Pulis, kahit nasa labas na, ayaw magpakuha ng picture, eh hindi naman sila kasama sa kuha.

Ngayon napawalang sala si Kerwin Espinosa, eh di ba nga ang affidavit niya ang ginamit sa pag diin sa kay Senator Delima? Eh kung ang self confessed drug lord, pinalaya, eh di ba dapat wala na ding saysay ang testimony niya laban kay Senator Leila? Pinaglalaruan ng administrasyong ito ang taong bayan.

Pag pumupuna sa kanila, kulong. Pag mahihirap, patay. Pag kumpareng suspected drug lord, buhay.

Kaya pa ba, bayan ko?

Yamot sa mga Mapang-api,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *