Mukhang may Pinariringgan si Duterte

Dear Sir Robin Padilla,

Di ba po, nakulong po kayo dati? Tapos close po kayo sa presidente?  Baka puwede niyo po syang pagsabihan sa maling pananaw niya sa mga ex convict. Sabi po niya 

Oo maaring less than 6 years ka nakulong,  pero marami ka naman sigurong nakasama dun na nakulong at nakalaya na nabigyan ng pagkakataon na mamuhay ng normal at maging productive member ng society. Katulad ni Hubert Webb, nakulong siya half of his life pero ngayon maayos na namumuhay.

Sir Robin, sabi din po ng presidente niyo na

Nagiging homosexual daw po ang nakukulong. Naging bakla ba kayo paglabas niyo?  Hindi naman di ba?  Nakapag asawa pa nga kayo eh. Wala naman masama kung maging homosexual ka, pero puwede pakisabi na lang po sa presidente niyo na wag mag generalize, kasi po hindi naman yun totoo.

Sabi din niya po na dahil nagiging homosexual na po kayo kaya kayo halimaw . Naging monster po ba kayo? Hindi naman di ba?

Puwede pakisabi sa kanya na ang mga tao na homosexual ay hindi halimaw. Tao din sila. At ang mga ex-convict na gaya mo po ay may karapatan mabuhay ng normal at hindi dapat ituring na halimaw.

Kasi ang halimaw yung mga walang awang pumapatay ng tao na walang due process at ang mga sumuporta sa pagpatay ng ganito ay maituturing din kampon ng dilim or mini halimaw.

Ang baba pala ng tingin ni Duterte sa mga ex-convict na gaya niyo po, Sir Robin.  Next time na magkita kayo pangaralan niyo po siya at gawin niyong halimbawa ang sarili niyo.

Tutal naman sinusuportahan niyo siya, sabihin niyo na rin na wag balahurain ang ex-convict na gaya niyo po.

Yamot sa Supporters ng EJK,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *