Mukhang May Dinayang Bidding

Dear KaPAB,

Lagi na lang naka kabit sa atin ang China pag problema. Alam niyo ba ang  12.2 bilyon project na Kaliwa Dam? Di ba sa China Energy Engineering Corporation Limited binigay? Ayun may findings ang COA.

 

 

Mukhang dinaya daw ang bidding para mapunta sa China Energy Engineering Corporation Limited ang project.

Delikado kasi ang loan contract na ito. Kasi sobrang taas ng interest at marami pang provision na lugi ang Pilipinas.

Eto ang masaklap dito eh:

“In case of a default or when the Philippine government cannot pay off the debt, China can suspend or terminate any further disbursements. All delinquencies are also deemed to be due immediately without any need for legal formalities.”

Ayun sa COA parang saling pusa lang yung dalawang nagbid para lang masabi na nagcomply sila na may tatlo kunwari na nagbid.

 

 

At yung loan dapat wala pa yun, kasi hindi pa nga kumpleto sa requirements eh.

 

Bakit ba hindi nakikita ng Presidente na puro problema ang dala ng China? Mula sa hindi pagpapaalam ng pag daan Ng mga warship nila hanggang sa mga bilyones na project na ini award sa kanila.

Hay naku.

 

Sobrang Yamot Na,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *