Ms. Universe Congressman

Dear Congressman Danilo Suarez,

Mahilig kayong manood ng beauty pageant no? Kasi kanina sa guesting niyo with Atty. Florin Hilbay sa Headstart, sinabi niyo po ito. Resibo.

 

Luh, grabe sya oh. Kailan pa nagkaroon ng puso ang declaration ng Martial Law, aber?

Pag martial law eto ang nangyayari. Resibo.

During martial law, suspended ang writ of habeas corpus, ibig sabihin puwedeng maaresto kahit sino, kahit walang warrant of arrest, so paano po nagkaroon ng puso yun?

Wag ako. During martial law ang mga projects ng gobyerno hindi na dadaan sa procurement law, wala nang bidding na mangyayari, so ang corruption maaring maging malala. May puso ba yan?

Minsan no, kayong mga kaalyado ni Duterte sa sobrang pagsisipsip, mukha nang nakakatawa ang mga sagot niyo.

October 23 tapos na ang Marawi siege, so bakit iextend pa din? May rebellion or invasion pa ba?

Hay naku Congressman, wag mong gayahin si Pia Wurtzbach, para lang majustify ang maling hangarin. Tse!

Yamot sa mga Palusot,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *