#MRTdeadly

#MRTDeadly

Nakakabahala na naman ang mga nangyayari sa bulok na tren ng Maynila! Noong nakaraang linggo pilit na itinago sa publiko ang isang nakaka-bahalang pangyayari na maaaring nakapatay ng maraming biyahero ng MRT.

Pumutok at nasira ang “gearbox” ng isang tren noong Martes, at ito ay na-derail. Ngunit itinago ito sa atin ng mga namamahala ng MRT. Ngayong araw, daan-daang Pilipino naman ang na-perwisyo dahil sa nagkaroon na naan ng problema ang mga tren! Pero sinabi lang nila na may biglaang “maintenance check-up”.

Nakakabahala na. Parang hindi nakikinig si Sec. Tugade. Panahon na para kalampagin muli ang DOTr.

Hoy Gising! San ang pagbabagong pinagyayabang nyo??? #ChangeScamming na naman!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *