Mr. President, Maawa po Kayo

Dear President Duterte,

May problema po tayo sa supply ng bigas. Akala ko ba sa panahon niyo magiging rice sufficient tayo. Anyare?

Hindi kaya ang shortage na to ay artificial shortage lang created by some rice cartel? Baka po gusto niyo tong pag tuunan ng pansin? Hindi lang droga ang problema ng bansa.

Binigyan niyo na kami ng TRAIN, lalong mahihirapan ang mga Pilipino pag tumaas ang presyo ng bigas.

Sana po, pagtuunan niyo to ng pansin. Kawawa po ang taong bayan.

Pinapatay na nga ang mahihirap dahil sa Tokhang, tapos ngayon papatayin naman sila dahil sa gutom?

Maawa naman po kayo.

Nalulungkot,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *