More Fun in Family Incorporated

Dear Secretary Wanda,

May report ang COA about how you spend OUR money. Yes, that is our money.

There is a word called delikadesa you know. May mga tanong lang ako.

1. Bakit ka maglalagay ng ads sa isang show na halos wala namang nanonood? Hindi ba dapat kung maglalagay ka, doon sa mga sikat na network or show? Porke kapatid mo ang may-ari bibigyan mo ng pabor? Hindi ba mali yun?

2. Sixty Million pesos ang pinag uusapan natin dito. Samantala ang iba sa Boracay, hindi na kakain kasi nawalan na ng trabaho. Tapos kayo ng mga kapatid mo kikita ng 60 million? Delikadesa na lang sana.

3. You approved it without supporting documents? Ok ka lang? Hindi mo pera yan, huy. Maawa ka sa taong bayan.

Yung make up artist mo na taong bayan pa ang nagsesweldo, pati ba namam sa mga kapatid mo kumikitang kabuhayan pa din sa buwis ng taong bayan? Aba, sobra naman po yata yan. Konting nipis naman po.

Kung si Kat de Castro, isinasabit ang boyfriend niya sa mga official travel, kayo naman milyones ang binabayad sa mga show ng kapatid niyo. Puwede pong tubuan ng hiya ang Department of Tourism. Duh.

Yamot sa Garapalang Corruption,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *