Mochang Troll

Dear Ate Mocha,

Puwedeng magtanong? Isa po ba sa mga trabaho ng Assistant Secretary ang gumawa ng survey na ganito? Paano po ito nakakatulong sa bansa natin?

Ate Mocha naman , ang layo pa ng election at saka hindi ka na troll ngayon, isa ka nang Assistant Secretary ng PCOO,ang mahal ng 130k monthly para sa isang troll.

At saka bakit ba nangangalaiti ka kay Senator Bam? Dapat nga magpasalamat ka sa kanya, kasi dahil sa kanya, puwede ka nang makapag aral ng libre sa college. Puwede kang kumuha ng political science, para malaman mo ang structure ng gobyerno na ang pera na ginagastos sa mga proyekto ay hindi galing sa presidente, galing po ito sa taong bayan. Pero ang pinaka importante na dapat pag-aralan niyo hanggang masters, ay Values Education, kasi po mukhang ang lalim ng pagiging balahura niyo po. Kailan talaga ang masusing pagtuturo po.

Pero since nilagay niyo na man lang ang survey sasali na din po ako, YES po iboboto ko si Senator Bam, kasi po unlike you po, nagtatrabaho siya ng matino. Gumagawa siya ng mga batas na napapakinabangan ng mga taong bayan, tulad ng libreng education at libreng internet sa public places, hindi po gaya po sa inyo na division at hatred ang pinagkakalat. Si Senator Bam may concern sa kabataan at sa mahihirap, unlike you ang concern niyo lang po si Duterte.  Si Senator Bam may paninindigan, na ipaglaban ang ang demokrasya, unlike you ang concern lang ay paninindigan ni Duterte kahit minsan wala na din, wala na din sa lugar. Si Senator Bam hindi sinasayang ang pera ng bayan, sa yo pa, sayang na sayang ang buwis ng bayan kasi hindi niyo naman ginagawa nang matino ang trabaho niyo po.

At nakakatawa ka, kasi sa FB ka nagpasurvey, try mo sa twitter Ate, para masunog ka na naman. Kung guso mo lang naman pala magsurvey sa Census ka magtrabaho, or sa mga survey company at least hindi masasayang pera ng bayan.

Inuulit ko po lagi sa inyo, hindi ako galit kung hubadera ka dati. Hindi ako galit kung nagpapalamas ka ng dibdib dati. Hindi ako galit kung ang kinabubuhay mo dati ay ang pagpapakita ng vibrator at pagtuturo ng climax sa mga tao. Hindi ako galit kung ang trabaho mo dati ay ang pagdukot sa ari ng mga lalaki.

Galit ako kasi sinungaling ka. Galit ako kasi purveyor ka ng fake news. Galit ako kasi niloloko mo ang taong bayan. Galit ako kasi binabalahura mo ang media pero sa kanila ka naman kumukuha ng mga pinopost mo sa blog mo. Galit ako kasi mas gusto mong mag create ng division at hatred sa bansa. Galit ako kasi pera ng taong bayan ang nagpapasweldo sa yo, pero ang pinagsisilbihan mo lang ay si Duterte.

Hindi mo mahal ang bayan, mahal mo lang si Duterte kasi nakikinabang ka.

Alalahanin mo, hindi araw-araw pasko, digital na karma ngayon. Sana abutan ka na.

Galit sa Reyna ng mga Trolls,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *