Mochang Studious

Dear Ate Mocha,

Nakakatuwa naman po ang pagiging studious niyo. I saw this pic. Resibo.

Ang sipag niyo palang magbasa sa dami ng libro na nasa harap niyo, pero bakit naman po minsan parang hindi halata sa mga pinopost niyo.

Pero tama po yang ginagawa niyo, na nagbabasa na bago enrollment sa law school kasi dapat masipag ka magbasa. Pero Ate, medyo OA ang codals niyo po, kasi po pag first year ka pa lang, yung codal na kailangan po ay tatlo lang talaga. Revise Penal Code, Civil Code at Codal sa Philippine Constitution. Yung iba po hindi mo pa magagamit yan, kailangan niyo po munang ipasa ang mga pre requisite subjects.

At saka good job din po at inuna niyo pong binasa ang Philippine Constitution, at least nalaman niyo talaga na walang Article 263 ang Constitution, hanggang Article 18 lang po tayo.Resibo.

Siguro naman po nagbabasa kayo during break time ano po? Kasi mahirap naman kung during working hours ginagawa niyo yan, kasi hindi naman yan ang trabaho na kung saan siniswelduhan kayo ng taong bayan.

Pero I am glad na at least mag aaral po kayo para malaman niyo ang mga Basic Human Rights at bakit siya mahalaga.

Oo nga pala Ate, next time na magpapapicture kayo with books, iharap niyo po sa inyo ang ibang codal, para hindi halata na photo ops. Resibo.

See you around the campus po.

Natatawa ng Slight,

PAB

P.S.  Suggestion po, magreview muna kayo sa PhilSat kasi po, pag hindi kayo makapasa, hindi po kayo makakapag patuloy sa law school. Sayang ang mga codal and books, lalo na ang photo ops niyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *