Mochang Queen of Fake News

Dear Assec. Mocha,

Nakakainis ang kayabangan mo no? Alam naman natin na pure harassment ang ginagawa ng Poon mo sa Rappler. You posted this.

Pia Ranada and Maria Ressa are journalists. Kaya nga hindi sila nagpopost ng tulad nito eh. Resibo.

Kasi mga batikan silang journalist hindi kagaya mo na fake news queen at nuknukan nang pagkamalisyosa. Bago ka sana magyabang ipasa mo muna civil service exam mo. You are not even a blogger kasi wala kang blog site. Yung ginagamit mo lang sa pag post mo ng fake news is a personal FB page. Di ba nga pati si Notradamus, dinamay mo pa? Resibo.

Minsan hindi ka pa marunong umunawa ng binabasa. Resibo.

Ang sabi sa first sentence “I wish to thank the President..” saan diyan ang credit grabbing? Mahina ang comprehension, teh?

Sinong makakalimot sa ginamit mong litrato ng bangkay tapos nilalait mo ang LP yun pala isang taon nang patay si Kuya. Ano yun? Sa sementeryo dalawin ang kalansay? Resibo.

Assistant secretary ka nga wala ka namang bukambibig kung hindi ang bayag ni Senator Trillanes, balahura ka lang di ba?

So bago mo bastusin ang ibang tao, humarap ka muna sa salamin and ask yourself kung ano ang main reason bakit napunta ka diyan sa kinalalagyan mo. Alam naman na lahat kaya ka lang nandiyan dahil sa utang na loob sa yo ng Poon. Resibo.

Wag mataas ang lipad, Inday kasi hindi poreber ang Poon mo. Yabang-yabang, fake news ka naman. Tse!

Yamot sa Mayabang na Sinungaling,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *