Mochang Mayabang, Nagmukhang Tanga Tuloy

Dear Ate Mocha,

Ano na naman po itong ginawa niyo? Pinag-iinitan niyo ang Rappler talaga no? You posted this.

Mandate against Rappler by Mocha Uson | Pinoy Ako Blog

Kung ako sa yo, idelete mo to bes. Bago ka magyabang sana pinag-aralan mo muna ang mga term na ginamit mo ha.

Una, Malacañang Press Corps, at hindi Malacañang Press Corp. Spelling na lang mali na agad. Teh, libreng lesson to ha. Balato ko na sa yo.

Ang MPC is an independent body. Resibo.

Rappler MPC | Pinoy Ako Blog

Ibig sabihin, Malacañang Press Corps is an independent group unattached to any government agency, nor is it covered by any government order.  Ibig pong sabihin Beshie,  MPC is not subject to government control, not even from the office of Secretary Andanar.

Luh sya, dun ka sumulat sa MPC President. Yabang yabang mo, may reclassified ka pang nalalaman. Tse!

Sabi mo ang Rappler has no counterpart sa print or broadcast arm. Luh, anong tawag mo dun sa “TheWrap” ng Rappler? Drawing? Resibo.

Rappler The wRap Nov 7 2017 | Pinoy Ako Blog

At naiintindihan mo ba request mo te? Na “it should fall under the accreditation of your office”? Wow ang yabang mo lang diyan

Te, eto po ang rule niyo sa social media accreditation ng blogger. It is for individual lang oh. Resibo.

Rappler Article on Andanar's Interim Policy | Pinoy Ako Blog

So paano mo mamanage ang Rappler? Lahat ng reporter nila blogger? Ganun? Ang tanga lang di ba?

Teh, kung sino man ang adviser mo, paki fire na po. Nagmumukha kang tanga sa sulat mo oh.

Lakas ng loob mo na humiling na ilagay ang Rappler accreditation under your office tapos hindi mo naman binasa ang interim policy niyo.

Teh, next time na magpapower trip ka, please lang siguraduhin mong hindi ka nagmumukhang tanga. Unahin mo muna itama ang mga fake news mo no!

Kung ako sa yo, asikasuhin mo training ng mga staff mo, from spelling, to ethics to values para hindi nasasayang ang sweldo namin sa yo.

Power trip, power trip, nagmukhang tanga naman. Tse!

Yamot sa Ambisyosang Palaka,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *