Mochang Mali Ang Hirit

Dear Mocha Uson,

As expected, pinagtanggol mo na naman ang amo mo sa pagiging balahura. Para sa yo ok lang ito.

Ang context nito, may asawa ang babae, may asawa din si Duterte. Klaro sa picture ang seal at watawat ng bansa. At nasa ibang bansa siya to represent us. So para sa yo wala pa ding mali dito? Ganito ka ba binabati ng presidente pag nagkikita kayo, at feeling mo tama ang ganitong pambabastos?

Gumawa ka pa ng video comparing  Ninoy Aquino to Duterte.

Ateng parang mali naman ang comparison. Yung babae sa video, ang humalik. At sa pisngi ang kiss. Yung presidente mo ginamit ang kanyang position para maka iskor sa babae, at ang hinalikan niya sa lips. Para siyang manyak na suso, na hayok na hayok ang nguso. Wala akong pakialam kahit sinabi ng babae na walang malisya, pero kita ng kita naman ang malisya sa nguso ni Digong.

Hindi ka ba nandidiri? Sabagay kung sanay ka na ganyan ka batiin ng presidente , malamang normal sa yo ang pambabastos na ganyan.

Kadiri ka, sobrang bulag. Kahit binabastos na ang kababaihan, Talagang pinagtatanggol mo pa din kasi ang mahalaga lang sa yo si Duterte at hindi ang taong bayan.

Sabagay consistent naman sa kabastusan talaga ang poon mo.

So puwede ba, huwag na huwag mong ihahambing si Duterte kay Ninoy. Milya milya ang layo Teh. Yung Kabastusan ni Duterte, wagas. At kahit nakikita mo na na may mali, pikit mata mo pa ding pinagtatanggol. Nakakadiri ka. Tse!

Yamot sa Balahurang Kumukunsinti ng Balahura,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *