Mochang Mahina ang Comprehension

Dear Assec. Mocha Uson,

Babatiin sana kita kasi at last nasa Wikipedia ka na. Yehey! Achievement unlocked sa yo. Yun nga lang sinabihan ka nila ng fake news doon. Tapos nilista nila ang mga post mo na fake news. Hihihi.

Ok seryoso na tayo. Una kasi you posted this.

Bes, hindi naman nakakapagtaka kung paghandaan sya ni Xi Jinping. Hello? Teritoryo natin ang kapalit ng handaan na yan, sana dinamihan niyo ng kain, kasi luging lugi tayo sa transakyon na yan, promise.

Second, gusto ko lang sanang punahin ka sa mga pinagkukuda mo sa isang bagay na mukhang you did not comprehend. You posted this.

Ate Girl, ang layo ng kuda mo sa comment ni CJ Sereno. Obvious na hindi mo sya naintindihan.

Explain ko ha, ang ibig sabihin ni CJ Sereno na dapat yung guide natin sa pamamahala ay ang Saligang Batas lang. Hindi dapat iisang tao ang batas.

So tanong, ati girl, saang part diyan na sinabi ni CJ Sereno na siya lang ang independent sa pangulo? At anong alis at mapapalitan na sinasabi mo? Huy, yung mga kuda mo ang layo sa statement ni CJ Sereno. Mema ka eh.

Kaloka ka, sa 130k monthly simpleng statement di mo pa ma-gets? Luh sya.

Oo nga pala pakisabi sa minions mo kahit anong pilit ng pag eedit nila sa Wikepidia sa pagiging fake news mo, wala na silang magagawa.

Nilock na ng Wikipedia. Hahahaha!

Natatawa ng Slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *