Mochang Inggitera at Insecure

Dear Assec. Mocha,

Ang lakas ng insecurity mo kay Ms. Kris Aquino no? Kahit sa away niyo ni Raissa Robles talagang dinamay mo siya. Raissa Robles called you out sa pagsakay sa eroplano ng Philippine Air Force.

Eto kasi ang post mo.

If a taxpayer called you out karapatan niya yun, kasi nga naman this is not the first time na gumamit ka ng government resources na puwede namang sa mag ordinary transpo ka. Remember, yung naghelicopter ka kahit ang biyahe from Manila to Clark? Resibo.

Di ba, magkano kaya ang nagastos sa helicopter ride mo compared kung nag commute ka na lang papuntang Clark, aber?

Pero alam mo ang di ko maintindihan sa lahat ng ito ay bakit lagi na lang dinadamay mo si Ms. Kris Aquino sa pag depensa mo sa kapalpakan ng administrasyong to.  Obsessed lang teh? Yung sa Dengvaxia na pumunta si Pnoy sa hearing, nilabas mo na naman ang isyu about yung helicopter issue noong nakaraan. Resibo.

Kahit ang totoo na pumunta sya diyan for inauguration ng isang plant. Resibo.

Noong kinuha si Ms. Kris Aquino bilang endorser ng PLDT, mema ka rin. Nag post ka uli. Resibo.

Di ba mukhang tanga ka lang, kunwari main concern ang service ng PLDT tapos babatikusin mo mga Aquino? Balahura ka pa kasi kahit nanahimik na sa kabilang buhay si Former President Cory Aquino, dinamay mo pa.

Naisip ko na patulan kita diyan sa walang katapusan helicopter isyu mo kay Ms. Kris Aquino. Kasi dinamay mo na naman sa video na to eh.

Eto ha makinig ka, ang tax na binayaran ni Ms. Kris mula 2006-2016 eto ang computation:

2006 – 19,228,004.91
2007 – 17,249,021.02
2008 – 25,443,936.22 #8
2009 – 12,786,797.52 #37
2010 – 32,309,962 #17
2011 – 49,871,657 #1
2012 – 44,933,335 #6
2013 – 40,481,146 #16
2014 – 54,530,635 #6
2015 – 61,741,090
2016 – 22,451,087.99

Nilagay ko na rin ang ranking niya sa top tax payers sa bawat taon.  Ang total in 10 years po.

2007-2016 = P361,798,667.75

So sabihin natin na ang pagcharter ng chopper ay P85,000 per hour. Sabihin natin na ginamit yun ng 24 hours tapos imultiply natin ng 3 days. Oo, pinasobrahan ko na kasi mahilig ka naman mag exaggerate ng figures. Ang total na dapat na cost ay, P6,120,000. Alam mo ba kung ilang percentage iyan sa total tax na binayaran ni Kris?

 1.69% 

Ngayon balikan kita, ikaw honest ka ba sa SALN mo? Nakalagay ba doon ang talent fee mo sa mga twerking show mo habang empleyado ka ng gobyerno? Lakas mong makabatikos kay Ms. Kris Aquino, wala namang ginagawang masama sa inyo. Nanahimik ang tao at nagtatrabaho lang para sa pamilya niya, pero kung batikusin mo, wagas.

Sorry ka na lang, kasi hindi ka niya kalevel kahit milyones pa followers mo. Walang panahon si Ms. Kris sa yo kasi busy siya sa kaliwat kanan niyang endorsement at busy siya bilang isang mabuting ina. Kita mo naman kung gaano kaloveable at marespeto mga anak niya di ba?

Ikaw puro divisiveness at hatred ang dala mo, bukod pa ang fake news diyan. Sa yo sayang ang buwis ng bayan. 130k monthly ang sweldo, pero fake news ang binibigay. Wag kami.

Yamot sa Insecure na Palaka,

PAB

P.S. Baka magtanong ka kung saan nanggaling ang mga figures ko, punta ka sa BIR. Public documents yan. Oo, masipag akong mag research, hindi kagaya mo na TAMAD. Duh.

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *