Mochang Imbento Na Naman

Dear Mocha Uson,

Anong problema mo teh sa mga Aquino? Inaano ka ba nila? Mula kay PNoy, Kris, Bam ngayon naman si Former President Aquino. Resibo.

Si Cory Aquino talaga ang Diktador? Eto ha history lesson tayo. Ang tinutukoy mo ay si Luis Beltran, hindi ba? Tama ka nakulong sya ng Diktador, si Marcos po yun. Tatay ng BFF mo na si Imee. Isa sya sa mga naaresto noong Martial Law. Resibo.

After ng Martial Law, saka lang nakabalik sya sa pagsusulat. Yung pangalawang sentensya niya iyon ay dahil sa libelous statement niya na sinulat at hindi dahil diktador si Cory Aquino. At hindi sya nakulong. He posted bail. Fake news ka. Resibo.

Alam mo, yang Freedom of Expression hindi yan absolute. Pasalamat ka nga kahit balahura ka hindi ka dinedemanda ni VP Leni eh.

 

Ay oo nga pala may kaso ka ding libel. Sinampahan ka din ni Senator Trillanes. Yan totoo yan, hindi fake news.

Ilang beses mo nang binabastos ang alaala ni Former President Cory Aquino eh puro naman fake news ang mga pinagsasabi mo.

Sige nga, kaya ba ng Tatay Digong mo sumagot ng ganito kadignified sa isang hearing?

For sure baka bumubula na ang bibig ng poon mo ng mura kung sya ang nakasalang sa witness stand.

Your poon is nothing compared to Former President Aquino. Kaya wag kang ano. Kung may diktador man dito yan ang poon mo. Inamin niya di ba? Resibo.

Kung kani- kanino ka pa nakaturo, dinadamay mo pa ang mga nanahimik, eh nasa harapan mo lang. Manuno ka sana sa katuturo. Para lumiit ang ulo mo na kasinglaki ng monggo. Minsan mo lang naman kasing ginagamit. Tse!

Yamot sa Sinungaling Mema,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *