Mochang Gatongera kay Sir PSG commander

Dear Assistant Secretary Mocha Uson,

Papakyawin mo talaga lahat ng negative traits? Sinungaling ka na nga nanggagatong ka pa. Eto ang interview mo sa PSG commander.

Kasi gatongera ka, kay si Ser PSG nakisakay din sa baliko mong pananaw.  Sabi mo binastos ni Pia ang PSG. Resibo.

Sinungaling ka, walang pambabastos na naganap. Ginawa lang ni Pia Ranada ang trabaho niya bilang mamahayag. At Assec. Mocha, yung article na nashare mo ay galing sa listahan ng fake news website oh. Ang Pinoy Trending ay kasama sa mga fake news website. Resibo.

Pinatunayan mo na naman na Fake News purveyor ka. Sinungaling!

At puwede ba pakisabi sa iniinterview mo wag siyang sinungaling. Anong pinagsasabi niyang dinuro duro, ang OA niya kamo, pareho kayo. At saka anong pinagsasabi ni Kuya PSG na magpasalamat si Pia at hindi sinaktan? Resibo.

Bakit Sir General Lope Dagoy, ano ang balak niyo sanang gawin kay Pia Ranada? Tutusukin niyo ng rifle? Sisikmuraan niyo? Itutulak hanggang matumba? Luh, grabe siya oh, ang yabang lang.

Mochang Gatongera ipabasa mo to kay Ser General, galing kay Secretary Lorenzana.

In other words wag kayong OA ni PSG. Wala kayong karapatang manakit ng tao. Kadiri ka, sinungaling na gatongera pa. Sayang ang 130k na sweldo, fake news na naman ang pinopost.

Naku ICC is coming to town, Ate Gurl, pag naaresto poon mo, sumama ka sa kulungan ha, mag tong its kayo doon kasama nila Bato. Duh.

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *