Mochang Bastos Talaga

Dear Assec. Mocha Uson,

Sobrang kabastusan mo talaga sa katawan no? Pati ang anniversary ng EDSA gusto mo pa talagang idamay sa pagiging fake news mo. Resibo.

Tama ba namang gumawa ng poll na ganyan? Wala kang respeto sa mga taong nagsakripisyo sa EDSA dati para makamit lang ang kalayaan ng bansa.

Hindi mo ba alam ang salitang “ingat” ay galing yan noong panahon yun, sinasabihan nila ang mga mahal nila sa buhay kasi noong panahon ng Martial Law nawawala na lang ang iba na parang bula.

Ganoon kahirap sa panahon ni Marcos. Kaya wala kang karapatan na bastosin ang alaala ng EDSA. Ang mga tao sa larawan nagbuwis ng buhay nila para lang lumaya ang bansa sa diktadoryang Marcos.

Kita mo kahit kaopisina mo sinaway ang pagiging balahura mo. Resibo.

Nakakahiya ka daw. Tama ako di ba? You are divisive. Doon ka kumikita sa pagkakalat ng hatred. Sa pambabastos mo lumalabas na baka nga naman kaplastikan yung sinabi ni Dutere na “unity” daw. Kasi ikaw na nasa opisina niya ang mensahe ay hatred at divisiveness.

Eto bigyan kita ng example kung ano ang fake at totoo.

Exhibit 1

Exhibit 2

Exhibit 3

Eto ang pinaka final talaga. Exhibit 4

Lahat drama, kasi hindi ka naman nag enroll. Tse!

Kadiri ka!

Yamot sa Kabastusan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *