Mocha, wag gamitin ang mga Sundalo

Dear Ate Mocha,

As expected, sinabayan mo din po ang kabalahuraan ng Poon mo. Sagutin ko tong sinabi mo ha.

Sabi mo walang nagawa sa problema sa droga si Pnoy, proof or may statistics ka man lang to back up your claim? Wala no?  Kasi yang statement na yan ang naka program sa yo at sa mga trolls mo. You demonized dilawan para maging bida ang poon mo.

Ang nakakatawa pa, kasi naisingit mo pa talaga si VP Leni na wala namang kinalaman. Napaghahalata talaga ang tatak pera ng mga Marcos sa hirit mo no?

Tama ka naman na nagawa ni Duterte ng isang taon ang hindi nagawa ni Pnoy ng 6 na taon.

Nagawa ni Duterte magpapapatay ng libo-libong tao sa loob ng isang taon. Bata, matanda, babae, lalake, bakla o tomboy, patay.

Nagawa ni Duterte pabagsakin ang peso laban sa dolyar from 41 to 50 pesos sa loob ng isang taon.

Nagawa ni Duterte na isuko ang West Philippines Sea sa China sa loob lamang ng isang taon.

Nagawa ni Duterte sa loob ng isang taon na pandirihan tayo ng ibang bansa dahil sa balahura niyang pag uugali.

Nagawa ni Duterte laspagin ang pera ng bayan sa mga junket, kaya meron nang bilyones na deficit kalahating taon palang.

Nagawa ni Duterte palayain si Enrile, GMA at Napoles.

Nagawa ni Duterte na ibaon tayo sa utang sa China sa loob ng isang taon.

Nagawa ni Duterte na pabagsakin ang ekonomiya ng bansa dahil sa taas ng inflation rate sa loob ng isang taon.

At magagawa pa ni Duterte na pataasin ang mga bilihin sa mga susunod na buwan.

Tama ka nga Ate Mocha, mas madaming nagawa si Duterte na hindi nagawa ni Pnoy sa anim na taon.

Oo nga pala, puwede ba, wag mong gamitin ang mga sundalo sa show ng Mocha girls sa London.  Nagsasakripisyo na nga sila ginagamit mo pa.

Ano yan?  Para majustify ang pamasahe kunwari kukuha ka ng support sa London?  Luh grabe sya, habang ang mga evacuees kumakain na ng dahon dahil walang makain, siya ginagamit ang sundalo sa London tour.  Kung talagang gusto nyong suportahan ang mga sundalo, pumunta kayo sa Marawi, mamigay ka kasama ang Mocha Girls ng pagkain dun or ipaglaba niyo mga sundalo, ganyan.

Anong kinalaman ng tour ng grupo niyo sa mga sundalo aber? Pinaupo niyo pa ang mga pasyente para lang sa photo ops ng show niyo. Mga manggagamit. Habang ang mga evacuees kumakain na lang ng dahon ang Asec ng PCOO patour tour lang. Kung di na talaga mapigilan ang kakapalan ng mukha, puwede na pong gumamit ng sand paper para numipis. 😠

Tubuan naman kayo ng konsensya.

Galit sa Garapal,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *