Mocha Uson Tumatanggap Ng Tulong From Private Companies Ayun Sa Manager Niya

Dear Ombudsman Martires,

You might want to check this video po.

To quote po sabi ng manager ni Mocha, “may mga donasyon na tulong na galing sa private companies”, na ang kapalit daw ay namention lang sa blog ni Mocha.

Ombudsman Martires, maybe you should investigate kung kanino dumidiretso ang tulong na binibigay kasi po di ba po may provision tayo sa batas na bawal tumanggap ng tulong or gift ang isang public officer from any private person or company? Kasi po di ba iniiwasan natin ang corruption. Sabi ng manager sa video ang kapalit daw ay imention lang ni Mocha sa blog niya ang name.

May record ba ang OWWA nito sa mga tulong na dumarating? Dumadaan ba ito sa audit? Kahit pa kasing liit pa yan ng milk tea or ilang libo pa yan hindi ba dapat may record ang gobyerno kung paano ginagamit iyan? Kasi kung ang tulong dumadaan kay Mocha bago makarating sa tutulungan hindi po ba parang may mali po doon?  Public officer na si Mocha Uson. She is bound by the rules ng Anti Graft and Corruption Practices Act.

Kung sa kanya dumadaan ang mga tulong na ito siguro baka gusto niyo siyang hingan ng paliwanag.

Walang masama sa pagtulong pero kailangan lang po sana nating siguraduhin na dumadaan ito sa tamang proseso.

Hoping for immediate action on this matter.

 

Respectfully yours,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *