Mochang Plagiarist

Dear Martin Andanar,

Grabe ang office niyo no? Walang respeto sa mga mamahayag. Si Assec. Mocha may bagong blogsite na pinapakalat. Yung “good news ngayon” blog site. Resibo.

Eto po ang laman ng post na yan.

 

Incidentally, yan din po ang laman ng report ni Rex Remitio and Chad de Guzman ng CNN Philippines.

Hoy mahiya naman kayo sa mga journalists na naghihirap para kumalap ng balita, tapos kokopyahin niyo lang?

Ang lalaki ng sweldo niyo, hindi man lang kayo marunong magsulat? Akala ko ba blogger si Mocha? Akala ko ba nagtraining na kayo? Training po ba ng pangongopya?

Nilalait niyo ang mga journalists na “presstitute”, tapos kokopyahin mo lang ang pinaghirapan nilang isulat? Ang kapal lang di ba?

So ang PCOO stands na for Presidential Copypaste Operations Office?

Hindi ba kayo nahihiya? Kung hindi fake news ang pinopost ni Mocha, copy paste naman? Masyadong mahal ang 130k kung ang trabaho ay magcopy paste lang ng trabaho ng iba. Kahit OJT kayang gawin yan, basta wag lang mamanyakin.

Ang pinaghirapan ng iba, pinapakinabangan niyo sa pamamagitan ng Google ads sa blog na yan. Bakit hindi niyo ishare yung link? Bakit kailangan copy paste? Ang tatamad niyo.

Pekeng post, pekeng blogger, pekeng writer. Pakyawan to sa kapekean?

Yamot sa mga Nangongopya,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *