Mocha Uson Mema Na Naman sa Travel ni VP Leni

Dear Mocha Uson,

Tinira mo naman ang PERSONAL na travel ni VP Leni. Walang masama kung sakaling gampanan niya ang tungkulin niya bilang Ina kay Aika. Pilit mong sinisira ultimo ang bonding nilang mag-ina. You posted this.

Sagutin ko to ha, kasi mukhang ang tamad mong mag research. Kung gusto mong malaman kung official yan o hindi, all you got to do is to request yan sa pamamagitan ng FOI. Pero since tamad ka, nagtanong na lang ako. Yung travel po ni VP Leni ay personal po yan kasi po graduation ni Aika Robredo from Harvard. Hindi gaya ng amo mo na si BBM fake ang sinasabing educational attainment. Si Aika may resibo.

Now since personal naman na pera yung ginastos ni VP Leni at hindi naman pera ng gobyerno, wala ka nang pakialam doon kung anuman ang pinuntahan nila.

Ano naman kung nagcelebrate ang mag-ina sa pamamagitan ng pagnood ng NBA? Pera naman ang ginastos nila di ba? Huy Mocha may sweldo naman si VP. Kaya naman niya sigurong bumili ng ticket sa NBA para sa anak niya. Bakit ka ganyan? Noong grumadweyt ka ba, walang celebration?

Mema ka eh. Hindi mo na man lang binigyan ng pagkakataon sumaya ang ina para sa achievement ng anak niya. Nagtatanong ang taong bayan sabi mo? Luh kayong mga trolls lang ni BBM ang nagtatanong.

Kung makatanong ka sa travel ni VP akala mo naman may saysay ang  8 travel mo. Nung pumunta ka sa London at kasama ang Mocha Girls.

Tumataginting na P201,635.63 ang ginastos mo.  Yung kasamahan mong Mocha Girl noon, taong bayan ba ang gumastos diyan? Pag-uwi mo may nafile ka bang accomplishment report sa travel mo? Parang wala naman.

Yung travel mo sa USA na wala ka namang ginawa kung hindi magselfie.

Ang gastos mo diyan sa travel mo, P250,157.04. May pinasa ka bang report pagdating mo sa Pilipinas? Ngangey!

Yung Japan mo na sinibay mo na naman ang Mocha Uson Girls sa travel.

P42, 122.96 ang ginastos niyo diyan. May accomplishment report? Again, nga nga!

Tatlo palang yan sa 8 na travel mong ginawa, na wala ka namang ginawa kung hindi mag tour sa OFW at magpapicture with kamao.

Yung marangya debut ni Isabelle Duterte tahimik ka. Yung pamamasyal ni Honeylet at Kitty sa USA tahimik ka. Pero pagdating kay VP Leni, ang dami mong kuda.

Alam mo at alam ng mga tao na bago naging Vice President si Leni Robredo, isa muna siyang ina. Kaya walang masama kung umattend man siya ng graduation ng anak niya, kasi kasiyahan ng isang ina na makita ang anak na makatapos. Pati ang panonood ng mag-ina ng NBA ginawan niyo pa ng isyu no? Nakakadiri ka!

Hindi ka sineswelduhan ng taong bayan para magkalat ng intriga.  Gawin mo ang trabaho mo at wag kang tsismosa at nagkakalat ng fake news.

Yamot sa Tsismosang Mema,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *