Mocha Uson Mas Maganda Kung Ikaw ang Magresign

Dear Assec. Mocha Uson,

Si VP Leni na naman ang napagdiskitahan mo.  Matanong mga kita, anong masama sa sinabi dito ni VP Leni?

Hindi ka ba sana makarinig or makabasa ng matitinong salita? Sabagay, balahura kasi ang poon mo kaya pag hindi nakakarinig ka ng  matinong salita para kang sinisilaban at lumalabas ang pagiging balahura mo.

Mag resign? Kung may kailangan man magresign dito, ikaw yun! Ang sweldo mo galing sa taong bayan pero wala kang binibigay kung hindi fake news, divisiveness naman.

Baka gusto mong iremind ko sa yo kung paano mo inedit ang picture ni VP Leni para lang mag post ng fake news?

Yes, ganito ka kabalahura. Pero kasinungalingan ang lumalabas sa pagkatao mo.  Sweldo mo is 130k a month, tapos ginagamit mo ang pero ng bayan sa paglibot sa ibang bansa kasama ang Mocha Girls.

Meron pa kayong paglibot sa Japan. Hindi ba mas nakakahiya ang ginagawa mo? Pero ng bayan ginagamit mo para magchaperon sa mga alaga mo?

Ako ang may suggestion sa yo, magresign ka na lang po, sinasayang mo ang buwis ng bayan. Sa  130k per month and dami ng tao mapapakain niyan.

Alam naman natin kung bakit ganyan ang galit mo kay VP Leni.

Halata naman kung kaninong pera ang umiikot dito. Hintay lang ate girl, makakarma ka din.

Yamot sa mga Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *