Mocha Uson at Thinking Pinoy Walang Awa sa Taong Bayan

Dear KaPAB,

Nitong mga nakaraang araw, alam ng bawat Pilipino kung gaano natin pinapasan ang TRAIN. Si Senator Bam ang unang unang gumawa ng hakbang na kung maari sana itigil muna ang TRAIN law. Nandito sa video pinaliwanag niya kung bakit.

Dahil sa ginawang hakbang ni Senator Bam Aquino, inaaway siya ngayon ni RJ Nieto.

Anong connection ni PNoy sa pagpapatigil ng TRAIN? Bakit may mga cosplayer pang nababanggit.

Ramdam ni Senator Bam ang hirap ng taong bayan, pero etong si RJ Nieto, imbes maawa sa pinagdadaanan ng taong bayan, ay mas inaaway pa ang taong may malasakit sa mamamayan.

Sinabayan pa ni Mocha Uson.

Eto lang ang masasabi niya. Samantala hirap na hirap na ang taong bayan sa pataas ng pataas na presyo ng bilihin.

Ang masakit pa imbes na tumulong maibsan ang hirap ng bayan, tinira na naman kasi fake news daw kasi old pictures ang ginamit.

Imbes harapin ang isyu kung paano nahihirapan ang mga tao sa TRAIN, ayun nilihis na naman ang isyu.

Tama si Senator Bam, first phase palang ito ng TRAIN, dumadaing na ang taong bayan. Kung pinapanukala man niya itong itigil, kasi nga baka pagdating ng second phase madami na ang maapektuhang negosyo at magresulta sa kawalan ng trabaho.

Palibhasa ang dalawang ito ay tumatanggap lang ng perang pinaghihirapan ng bayan, kaya wala silang pakialam kung may masagasaan man ng TRAIN ni Duterte.

Napansin niyo po kung gaano ka synchronized ang tira nila kay Senator Bam? Yan ang trolls.

Walang awa ang mga taong to. Pagkatapos magkalat sa Kuwait, ngayon naman ang Senator na gustong maibsan sana ang hirap ng mga Pilipino, sya naman ang tinitira. Grabe.

Makonsensya naman kayo!

Yamot sa mga Walang Awa,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *