Suicide ka Teh?

Dear Ate Mocha,

Hi po. Napanood ko po kayo sa Unang Hirit. Yung topic about fake news. Kayo pala resource person about it. Sabagay expert naman talaga kayo pagdating sa fake news.  😂😂😂

Pero bilib po ako sa inyo kasi kayo pa po talaga ang nagtanong why you are singled out na inaakusahan ng fake news.  Ate, bakit naman hindi?  Ikaw kaya ang reyna ng fake news. Kita mo nga pag usapang fake news, ikaw agad imbitado oh. 😂😂😂

Sabi mo you never post any fake news. Sige let’s jog your memory.

First, naalala niyo po ba nung nagpost kayo nung nirape na bata ng addict?  Tapos it turn out pala yung picture ay sa Brazil nangyari. Napahiya po kayo dun ng bongga. 😂😂😂

Second, naalala niyo po ba yung  “Article 263” of the Philippine Constitution? Sabi niyo may utang ang Mighty Corp. ng 96billion in taxes base on Article 263 ng constitution. After na naman niyong mapahiya, nagvideo post kayo explaining na tax code pala.

Third, yung latest. Assistant Secretary na kayo nito. Yung nagpost kayo ng picture ng mga sundalo asking the people to pray for our soldiers, tapos yun pala ang picture ay mga pulis pala yun sa Honduras.  Fake na naman.

Ano ang palusot niyo?  Symbolism daw. Luh, as if naman alam mo ang meaning ng word na yan. Wag ka nga, Ate Mocha!  Ketanda tanda mo na, sinungaling ka pa din.

Sabi mo sang ayun ka sa bill na pinasa ni Senator Joel Villanueva na parusahan ang magkalat ng fake news.  Weh?  Di nga? Parang suicide sa yo yun ha. 😂😂😂

Imagine the Queen of Fake News, ay nag-agree na parusahan ang mga nagkakalat ng fake news?  Sino po niloloko niyo?  Kwento niyo po yan sa pagong, baka maniwala hehehe.

Avid fan ng Katotohanan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *