Mocha, Pinagleleave ng Isang PCOO Official

Dear Mocha Uson,

Ngayon kahit kasamahan mo sa trabaho nakikita kung paano na parang anay na sumisira sa opisina mo ang mga kabalahuraan mo.

Ang hirap sa yo kasi ikaw na nga ang nagkamali, ikaw pa ang may ganang magalit. Tama naman si Director-General Harold Clavite, dapat mag-sorry ka kasi sinayang mo ang pera ng bayan.

Ang video na ginawa ay during office hours.

Ibig sabihin sweldado ka ng bayan ng mga oras na yun.

Oo nga pala, bakit wala ka dito?

Nasa ilalim ka ng mesa or ikaw ang inutusan nilang magpicture? Hehehe. Hindi ka kasali sa Team PCOO eh. Baka ikaw ang Team B? Team Balahura.

Anyway, kung ako sa yo mag leave ka na lang or better yet magresign, kasi laking perwisyo mo sa opisina mo lagi. Mas makakatulong ka sa Poon mo kung umalis ka na lang sa gobyerno. Lipat ka sa Mars.

 

Natatawa Ng Slight,

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *