Mocha, Pilit Pinagtatakpan ang Epekto Ng TRAIN

Dear Mocha Uson,

Minsan nakakatawa ka no? Kasi Alam mo na ang karamihan sa follower mo ay free data kaya dinadale mo sila sa click bait. You posted this.

Ang laman ng article ay yung video from Bandila. Syempre pag free data hindi nila mapiplay ang video na to.

Hindi syempre nila maririnig na nagrereklamo ang mga jeepney driver. 5,000 pesos, sa bawat jeepney operator? May driver sa video na nagreklamo na nagbaboundary lang sila, malamang yung 5k na yan mapupunta sa operator at hindi sa driver. 5000 in a year lumalabas na P14 per day ang tulong na ibibigay niyo. Habang tumataas ang presyo ng bilihin dahil sa palpak na ekonomiya at sa TRAIN ni Duterte, saan makakarating ang 14 pesos mo?

Nasa video pa yung pinagmamalaki mong financial assistance na 2400 sa mahihirap. 200 per month, 6.66 per day? Kahit noodles hindi makakabili ang ang 6 pesos mo.

At yung fuel subsidy ginawa na din yan ng nakaraang administration. Resibo.

Ang diperensiya lang, noon walang TRAIN ni Duterte na nagpapahirap sa bayan.

Anong kasalanan ng taong bayan para parusahan ng amo mo? Pilit niyo man baguhin ang balita hindi magbabago ang katotohanan na hirap na ang mga tao.

Hindi bitter ang nagrereklamo sa kahirapan, sila ang nagpapasweldo sa yo. Hindi mo puwedeng baliwalain ang kumakalam nilang sikmura dahil sa  kung may clear plan lang sana sa ekonomiya ang amo mo, hindi na tayo aabot sa ganito.

Yamot Sa Sinungaling,

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *