Mocha Napagsabihan ni Ogie Diaz

Dear Mocha Uson,

Sabi ko sa yo eh. Divisive ka masyado. Kita mo, pasi si Sir Ogie Diaz, napagsabihan ka na.  Mali kasi tong ginawa mo eh.

Sana isapuso mo itong payo sa iyo Ni Sir Ogie.

“Ewan ko kung me katungkulan sa gobyerno yung bading, pero noon pa, image na niya yung magmura nang magmura. Baka nga ikamatay pa niya kung hindi siya makakapagmura. Ingat lang sana siya, dahil baka makatagpo siya ng katapat.

Kay Ateng Mocha, sana, lagi mong isaksak sa kukote mo na sinusuwelduhan ka ng taumbayan. Hindi ka dapat maging troublemaker, bagkus maging peacemaker ka.

Yung salitang “pangit,” nung marinig mo, oo naman, maganda ka naman talaga, Ateng Mocha. Pero
baka sabihin nung ibang makakapanood ng video, ikaw pa talaga ang nagtawa nang marinig mo ang salitang “put-.”

Isipin mong maigi yon. Mga 30 seconds….

Pag napagnilay-nilay mo na, gusto ko lang sabihin sa yo, nariyan ka sa gobyerno para iangat ang antas ng kababaihan.

Gawin mong makatuturan ang iyong posisyon para saluduhan ka hindi lang ng mga ka-DDS, kundi ng mas marami pang hindi ka-DDS. Sa palagay mo, yang ganyang pampo-provoke n’yo kay Ateng Gay ay pwede mong maisama sa mga naging accomplishment mo bukod sa pagsama-sama at pagbuntot-buntot sa Pangulo?

You can do better than that, Ate Mocha. ‘Wag ka nang bumaba sa ganyang level ng mga klase ng tao.

Anyway, gusto ko na lang marinig ang panig mo tungkol sa isyu ng COA sa PCOO. Kung maipaliwanag mo o ninyo nang mahusay, promise, ire-repost ko para naman maging fair sa inyo.

Direktang may kinalaman ang isyu sa work mo sa PCOO, Ateng Mocha. Baka madamay ka, i-clear mo, Ateng, para mas maintindihan naman ng mga taxpayers na hindi ka involved sa anomalya o inosente ka sa bilyong pisong halagang kinukuwestiyon ng COA.

Pag na-explain mo namang maigi ang tungkol sa isyu, pwede mo namang isali ito sa accomplishment mo bilang Asec ng PCOO. At ituring mong isang mabigat na accomplishment na ito.

Ikaw na rin ang nagsabi, mahalagang malaman ng taumbayan ang achievements ng Duterte Government. At higit sa lahat, kung bakit maaari kang ituring na “asset” sa gobyerno, dahil isa kang honest at hindi corrupt.

Sana, pag-isipan mo. Para maging genuine ang pagtulong mo kay Tatay Digong.

PS…

Baka akusahan mo akong Dilawan. Hindi po. Marami din akong reklamo kay PNoy noon, lumalabas pa sa fb memories ko. Pero kapag kapuri-puri, hindi rin ako maramot magbigay ng pagsaludo kay PNoy.

Gaya sa Pangulong Duterte, pag may kagitingang desisyon, sinabi o ginawa siya, nandiyan ako para sumaludo. At siya na rin ang nagsabi ng “freedom of speech” at “freedom of expression,” tulad n’yong DDS, ine-enjoy ko rin ‘yon.

Sana kayo rin, pag me corruption na nagaganap, magsalita kayo para mas saluduhan kayo ng inyong kunsensiya.

Kaya ready na po akong ma-bash ng mga ka-DDS. Basta at the end of the day, sana, ‘yung para sa kabutihan ng Pilipinas ang hangarin nating lahat. Na ang tanging Dilaw lang sa ating lahat ay ihi, ngipin at tae.”

Pag-isipan mo Ateng ha. Kasi hindi ka siniswelduhan ng taong bayan para maging balahura.

Yamot sa Walang Modo,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *