Mocha NaBoljak ng Boljak

Dear Mocha Uson,

Balita ko may video ka daw sa akin. At sumulat ka daw sa TV5, kay Luchi Cruz, kasi pinapabawi mo ang statement nila na nagshare ka ng video. Luh, maaaring hindi mo nashare ang actual video ng rescue, pero prinomote mo sila at sabi mo pa nga sasama ka di ba? Klaro sa video teh.

Syempre with your 5 million followers na most of that ay follower din ni RJ Nieto, lahat sila nag aabang.Alam mo ba nang dahil sa FB live mo, nailagay mo sa panganib yung mga envoy natin?

Ngayon may warrant of arrest sila na kidnapping kasi nakita sila sa FB live mo. Alam mo ba ang kaparusahan ng kidnapping sa Kuwait? Death penalty.

When you showed their faces sa video mo, nilagay mo sila sa kapahamakan. Pabibo ka eh.

Ngayon dahil sa kapalpakan niyo nila RJ Nieto, Sarah Arriola at Secretary Cayetano, nanganganib ang mga OFW doon.

Dami mong time makinig sa Boljak, hindi mo nga magawa ang trabaho mo ng tama. Eto ang sagot ni Atty. Falcis sa yo.

Eto ang link.

Ang envoy na pinasikat mo ay  nanganganib ang buhay. Kahit yung driver ng sasakyan nakakulong na. Kung mapugutan ang mga yan ng ulo, walang dapat sisihin kung hindi ang kaepalan niyong lahat.

Ikaw at ang alipores ni Secretary Cayetano ang may kasalanan. Sa sobra niyong pasikat, nangnganib mapugutan ng ulo ang mga Filipino sa kasong kidnapping.

Pasikat ka eh. Epal ka. Naboljak ka tuloy.

Yamot sa mga Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *