Mocha, Fake News na Naman

Dear Assistant Secretary Mocha,

Naranasan mo na bang matutukan ng baril? Naranasan mo na bang humarap sa mga sundalong may hawak na baril at ang tanging hawak mo lang ay bulaklak? Naranasan mo bang manindigan kahit alam mong anytime puwede kang bombahin? Kung hindi pa, I guess the least thing you can do is to shut up.

Bastos ka eh. Anong karapatan mo para balahurain ang mga nagsakripisyo noong panahon ng Martial law? Nagpost ka na naman ng Fake News.

Tawagin mong drama ang ginawa nila? Fake news ka na balahura ka pa. These are the same group of people ang reason kaya nagkaroon ng bloodless revolution noong panahon ni Marcos. Nilabanan nila ng rosaryo at dasal ang baril at tangke.

Alam mo, ang hirap sa yo just because chummy chummy ka sa mga Marcoses, sumasali ka na din sa revisionism ng kasaysayan. Fake news ka. Magbasa ka muna ng book bago ka kumuda.

Nasa PCOO ka, C for “Communication” pero fake news ang pinagsasabi mo.

At saka puwede ba? Magkaroon ka ng respeto sa katawan. Kasi pinapasweldo ka ng bayan. Ganito ba ang dapat na ugali ng Assistant Secretary na sumusweldo ng P130,000.00 every month?

Binastos mo si Senator Leila. Gumaya ka sa kabastusan ng mga minions mo. Kadiri ka? Mabilis ang karma day,  ICC is coming to town. Pag makulong amo mo, sumama ka ha.

Yamot sa Balahura,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *