Minority Party, Rocks!

Kamakailan madaming mga mahalagang bill ang naisabatas. Una yung Free Internet Access, na ang Principal Author ay si Senator Kiko Pangilinan at ang Principal Sponsor si Senator Bam Aquino.

This law ay malaking tulong sa mga tao DDS man o Dilawan. Lahat makikinabang dito.

Second Law is the Strengthened Anti -Hospital Deposit Law. Ang Principal Author and Sponsor po nito ay si Senator Risa Hontiveros. Malaking tulong ito sa mga mahihirap nating kababayan na walang pangdeposito sa hospital kung sila ay nagkakasakit. Ngayon po bawal na po kayong tanggihan ng hospital kahit wala kayong pandeposito. 

At ang pinakamahalaga sa lahat ay ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Sponsored and Co-authored by Senator Bam Aquino. Lahat ng bata na gustong mag college ay makapag aaral na ng libre!  Good job Dilawan!

Nakapagtataka lang dahil kung sino pa ang nasa minority at tinanggalan ng mga committe chairmanship, sila pa ang may mga bill na pinag-isipan at ngayon mapapakinabangan na ng mamamayan.

Dilawan man sila sa inyong paningin, ang mga mahahalagang batas naman ay sa kanila nanggaling! 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *