Mindanao, Kaya pa ba?

Dear Mindanao,

Tapos na sana ang gulo sa Marawi, pero naghanap pa rin ng dahilan si President Duterte to extend Martial Law sa lugar niyo. Nakakalungkot man, manananitili kayo sa ilalim ng Martial Law. Ang masakit pa nito, binalahura pa ang constitution kasi instead na 60 days, ginawa talagang isang taon. Resibo.

Isang taon na suspended ang writ of habeas corpus. Ibig sabihin puwede kayong hulihin without warrant of arrest.

Isang taon na bagsak ang turismo sa Mindanao kasi walang matinong tourist na bibisita sa Mindanao habang nakataas ang Martial Law.

Isang taon na bagsak ang ekonomiya kasi walang mag iinvest sa isang lugar kung saan may Martial Law. No investor, no employment.

Isang taon na ang mga proyekto sa Mindanao ay hindi dadaan sa procurement law, at mas lalong magiging prone sa corruption ang Mindanao.

Isang taon, na may agam-agam sa dibdib ng bawat isa sa inyo. Gaya ng sinabi ng isang taga Mindanao. Resibo.

Akala ko kasi taga Mindanao ang Presidente mas papahalagahan niya ang Mindanao, mukhang nagkamali ako.

Mas lalo niyang pinalawak ang takot sa dibdib niyo. Ang paghihirap ng bawat isa sa inyo.

Mula sa amin sa Visayas at Luzon, nakikiramay po kami.

Sana matapos na ang bangungot na to.

Naaawa sa mga Kababayan ko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *