Mga Sagot sa Katanungan ni Mocha About Senator Bam

Dear Assec. Mocha,

Pansin ko lang, bakit paborito mo ngayon si Senator Bam. Araw-araw ha. Resibo.

Eto yung article mo sa Philippines Star.

Dami mong tanong. Pinagdududahan mo ang sincerity ni Senator Bam. Eto ha sagutin na lang kita. Nag research ako for you.

Committee on Trade and Entrepreneurship and Committee on Youth siya noong 2013-2016.
Naturally all his bills will be for that.

Noong nagpalit ng admin, naging Chairman siya ng Committee on Education and Committee on Science and Technology.

Iyong Free Tuition Bill ni Sen. Bam (Senate Bill No. 177) na-file August 8, 2016 — Dalawang buwan pa lang ang Duterte admin at siya ang chairman ng Senate Committee on Education.

Free Internet in Public Schools Act (Senate Bill No. 1050) — na-file August 23, 2016 — Dalawang buwan pa lang ang Duterte admin at siya ang chiarman ng Senate Committee on Science and Technology.

Ang point ko lang parehong may weight ang pagpirma at authorship ng mga bills na nagiging batas. Ikaw lang naman ang nagbibigay ng masamang kulay sa mga nangyayari.

You are promoting divisiveness sa bansa. Intrigera ka pa, kahit wala namang isyu, nilalagyan mo.

Kung may credit man kay Senator Bam ang Free Tuition Law, na kung saan libre nang makakapag aral sa kolehiyo ang mga Pilipino, tama lang naman yun kasi sya author ng bill na yun eh. Resibo.

Tapos yung sa free internet naman isa si Senator Bam Aquino sa mga author, kung bigyan sya ng credit ok lang yun. Resibo.

Ang hirap kasi po sa yo, lahat na lang sinisiraan mo, tapos ang tamad mo pang mag research. You have all the resources sa gobyerno at your disposal. Try mo naman magresearch para hindi ka intrigera at tanong ng tanong.

Yan ha, ako na naman nagresearch for you. Eto pala ang schedule ng enrollment sa school, niresearch ko na rin for you.

Looking forward to see you sa school. Malay mo maging magkaklase pa tayo. Bigyan kita ng tip kung paano magresearch ng right info. Para hindi na fake news ang forte mo.

See you around!

Excited sa Pasukan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *