Mga Re-electionist Senator na Pumirma sa TRAIN

Dear TRAIN Senators,

Nakikita niyo siguro na ngayon kung anong hirap ang dinala niyo sa taong bayan. Sa kagustuhan niyong mapagbigyan ang sabi ni Duterte ang taong bayan ang sinakripisyo niyo.

Ang taas na ng inflation rate, phase 1 pa lang, may phase 2 at phase 3 pa. Hirap na hirap na ang taong bayan sa taas ng mg bilihin. Ilan sa inyo ay re-electionist senators.

GRACE POE

Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo kung bakit pinirmahan mo ang TRAIN. Pero sana naisip mo man lang sana ang epekto nito sa mahihirap. Ginawa mo ba to, kasi akala mo pag pumayag ka sa gusto ni Duterte ay masusuportahan ka sa election? Kung tutuusin hindi mo na kailangan ang endorsement nila, kasi malakas ka na eh. Pero ang ginawa mo sinakripisyo mo ang mga mahihirap.

NANCY BINAY

Minsan naiisip kung iniisip mo pa ba talaga ang mga mahihirap. Sa pagpirma mo sa TRAIN law, mas lalo mo silang nilugmok sa kahirapan. Ikaw at ang pamilya mo ay may mansion, nakakakain ng 3 boses sa isang araw, minsan sobra pa. For sure hindi niyo ramdam ang TRAIN. Sana inisip niyo man lang yung mga taong nasa laylayan ng lipunan.

CYNTHIA VILLAR

Pinirmahan mo ang TRAIN law, na hindi mo man lang naisip ang mga taong lumalangoy sa basura para makakain lang. Sa pagtaas ng bilihin, isa ka sa mga dahilan ng kanilang kahirapan. Sabagay, kailangan mo sundin si Duterte. DPWH Secretary anak mo eh. Malapit kayo sa kaldero, habang ang mga ibang tao, wala nang laman ang kaldero dahil sa TRAIN na pinirmahan mo.

KOKO PIMENTEL

Top 1 sa bar. Matalino. Pero mukhang hindi mo man lang naisip ang epekto ng TRAIN law sa mga Pilipino. Senate President ka, malapit kay Duterte sana man lang napaliwanagan mo siya ng magiging epekto nito sa taong bayan. Alam mo ba ang iba kumakain na lang ng isang beses sa isang araw sa taas ng bilihin? Sana ginamit mo ang posisyon mo sa Senado para makatulong sa mga taong naglagay sa yo sa pwesto mo. Hindi mo Boss si Duterte, taong bayan ang boss mo.

JV EJERCITO

Eto na ngayon ang dialogue mo. Sa tingin mo ba ganun kadali, eh pinirmahan niyo na?

Sana man lang, bago  niyo pinirmahan pinag- aralan niyo muna ang batas. Ginawa niyong guinea pig ang taong bayan. Sa sobrang pabilib niyo kay Duterte. Ginawa niyo nang batas, tapos ngayon dadramahan niyo kami na nababahala kayo? Hindi ba dapat noon pa kayo nabahala?

SONNY ANGARA

Ikaw ang Chairman ng Ways and Means Committee.

Dapat sana pinag aralan niyo muna ng maigi ang epekto nito sa taong bayan. Minadali mo ang pagpasa ng bill. Ngayon hirap na hirap ang taong bayan. Ang daming mga study na nagsabi hindi maganda ang TRAIN, mahihirapan ang taong bayan pero hindi ka nakinig. Mas inisip mo ang sundin si Duterte kaysa mga taong naglagay sa yo sa Senado.

Kayong lahat ang dapat kalimutan come 2019 election.  Kayong dahilan kung bakit naghihirap ang bayan. Sa bawat presyo sa grocery at palengke ng mga bilihin iisipin ng taong bayan na kayo ang dahilan kung bakit sila naghihirap. Totoo naman. PINIRMAHAN niyo ang TRAIN LAW.

 

Yamot sa mga Hindi Nag-iisip,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *