Mga OFW sa Kuwait ang Kawawa

Dear Secretary Alan Peter Cayetano,

Yung grupo niyo kasi sobrang pabibo no? Ngayon OFW na ang naipit.

Wag na kayong lumusot, dahil ito ang nangyari.

After that covert operation na ginawa niyo na parang pelikula:

1. DFA Assistant Secretary Elmer Cato posted 2 videos in the official Viber group for reporters covering DFA. These were presumably for reporters to use.

Malamang hindi naintidihan kung ano ang meaning ng “covert”.

2. Yung mayabang na dating a consultant na si Thinking Pinoy, syempre nagpost agad. Hindi man lang nag isip na magkakaroon ng diplomatic crisis at malalagay sa panganib ang mga OFW.

3. Syempre, magpapatalo ba naman ang Top Tier propagandist? Post din agad si Assec Mocha Uson.

All the flaws of the incompetent Assistant Secretary and unthinking fake news blogger above – rolled into one. Nagtandem sa katangahan.

4. Tapos ikaw naman as DFA Secretary apologized via press conference to Kuwait.

Dapat personal kang nag apologize privately, kasi yun ang tama. Pabibo ka kasi, gaya ng mga alipores mo.

5. Eto naman si Duterte pinatawag ang Kuwaiti Ambassador Althwaikh to Davao for a ‘discussion’.

Bakit kasi hindi na lang tinawagan ang head of state . He should have called Emir of Kuwait – from one head of state to another – rather than the minor emissary who has no say over Kuwait’s response.

6. Syempre hindi papatalo si Humpty Dumpty Roque, presscon agad. Kesyo naayos na daw, kasi magaling si Duterte with his “personal, warm and friendly negotiation style.”

Makasipsip lang, no? Kahit fake news sasabihin.

7. After Duterte’s personal, warm and friendly negotiation with the lower-ranked Kuwaiti ambassador:

The Kuwaiti government finally expelled the PH ambassador and declared him “persona non grata” (for illegal acts by PH embassy in Kuwait).

Ngayon dahil sa katangahan ng pamamalakad niyo, nasa peligro ngayon ang 250,000 legal OFW doon, hindi pa kasama ang undocumented.

Ang dami ng problema ng bansa, ang tawas ng bilihin, sumasabay yung inflation rate, araw-araw may pinapatay pa rin at yung China sinasakop pa din tayo, sa tingin niyo matatakpan yan ng pagiging pabibo niyo?

Sa iba ang mga ganyang kapalpakan nagreresign agad sa kahihiyan. Pero syempre depende din naman sa kapal ng mukha yan di ba?

Sobrang pabibo, OFW ang sakripisyado. Tse!

Yamot sa mga Incompetent,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *