Mga OFW Lumalaban Para Sa Katotohanan

Dear KaPAB,

Gusto ko lang po ibahagi sa inyo ang kwento ko mula Hongkong. For 5 months nag-ipon po ako para makabyahe sa Hongkong. Naisip ko na baka maaring madalaw ang mga OFW doon, at para makausap ko sila kasi ang laban against fake news ay lalong tumitindi. Kailangan ng mas maraming Truth Warriors.

Sa Four Seasons Park, kami nag workshop at nagusap-usap.

Nakinig ako sa bawat kwento nila. Bagamat masaya ang kwentuhan, makikita mo pa din sa mata nila ang lungkot, marahil namimiss nila ang mga mahal nila sa buhay.

Tinanong ko sila, kung bakit gusto nila maging truth warriors. Iisa lang ang sagot nila, “para sa bayan”.

Habang nagdidiscuss ako doon, na nakamic may mga DDS din doon na nakikinig.

Sinabi ko sa kanila na ang laban against fake news dapat laban ng lahat kahit ano pa ang political leanings.

Hindi naman sila nanggulo, nakikinig lang. Pinagdasal ko na sana, anuman ang marinig nila from me ay maantig ang puso nila at sila mismo ang lumaban sa fake news.

Masaya ako na kahit sa ibang bansa, dumarami tayong Truth Warriors. 

Madaming mga DDS sa Hongkong. Madami akong nakasalubong.

Pero hindi naman lahat ng DDS doon ay naninigaw. May grupo kaming nakasalubong na tinuruan kami kung saan sasakay ng bus. Sayang nga at hindi ako nakapagpapicture sa kanila.

Nagtatanong siguro kayo, why I am doing this despite of maaari akong mapahamak. Naniniwala kasi ako na responsibilidad ng bawat Pilipino na labanan ang fake news. Kaya kahit natatakot ako, mas higit naman ang pagmamahal ko sa bayan natin.

Congratulations sa mga bagong Truth Warriors from Hongkong. Tunay na kayo nga ang mga bagong bayani.

Lubos Na Humahanga,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *