Mga Nagkakalat ng Fake News Kakasuhan ni Rep. Alejano

Lahat na lang sinisi ng mga DDS sa nangyayaring kaguluhan sa Mindanao.  Una Dilawan daw, Si Senator Bam, si VP Leni at may sinasabi pang sa US financier daw.

Ngayon naman si Rep. Alejano.  Well, lagot kayo ngayon kasi di niya paliligtasin ang mga nagkakalat ng paninira at fake news. Eto ang sinabi niya :

Statement Rep. Gary Alejan

KINAKALAT NA UGNAYAN NG MAGDALO SA MAUTE GROUP – KASINUNGALINGAN!

Hindi totoo, kasinungalingan at malisyoso ang kinakalat na impormasyon ng isang Mr. Abe Purugganan laban sa Magdalo na umanoy may kaugnayan ito sa terroristang Maute Group na lumusob sa Marawi City. Dagdag pa sa pekeng impormasyon ay umanoy pagkalap ng mga baril ng Magdalo sa planong guluhin ang Marawi pagkatapos ng Ramadan.

This is the height of irresponsibility of those involved in spreading this fake and malicious information especially in this trying times when our brothers and sisters in Marawi need all the support from the Filipino people. I categorically deny that Magdalo is involved in any terroristic acts or is affiliated with any terrorist groups. The intelligence community could affirm this as we have constant engagements with them.

Amin na pong kinuha ang mga ebidensiya ng pagkalat ng mga pekeng impormasyon na ito sa mga postings ng ilang Facebook Users upang mapag-aralan ng aming mga abogado ang posibleng pagsampa ng kaukulang kaso laban sa kanila. Binabalaan po namin ang mga taong sangkot na alisin at burahin ang mga ganitong kasinungalingan. Ang mga sangkot ay nais lamang sirain ang aming reputasyon at ibaling sa amin ang galit ng tao na sa halip ay magalit tayo sa totoong mga may pakana at nagsagawa ng pag-atake sa Marawi. I encourage the public to be more vigilant.

The Magdalo group strongly condemns the dastardly acts perpetrated by the Maute group and other lawless elements in Marawi City. We sympathize with the people of Marawi and urge the government to swiftly resolve the crisis with minimum damage to innocent lives and properties. I am confident with the capability of our Armed Forces to deal with this situation as they have proven in the past incidents even without the declaration of martial law.

Nais ko lamang iparating sa ating mga kababayan na hindi kinukunsinti ng Magdalo ang anumang gawaing labag sa batas sa mga boluntayong miyembro nito. Sa katunayan, ang pagiging responsableng mamamayan at pagkakaisa ang isinusulong ng Magdalo dahil naniniwala kami na ang tunay na pagbabago ay magmumula sa indibidwal na Pilipino bago pa man ito mangyari sa kanyang pamilya, kumonidad, at bansa. Ang mga tiwali at lumalabag sa alintuntuning ito ay tinatanggal sa organisasyon.

Atin pong alalahanin na nag-alsa ang grupong Magdalo noong 2003 dahil sa katiwalian sa gobyerno at sa hangad nitong mabigyan ng pansin at solusyon ang mga problemang kinakaharap ng ating mga kasundaluhan at kapulisan. Security sector reforms are a major part of the legislative agenda of the Magdalo in Congress when we joined politics then and now being former members of the Armed Forces of the Philippines. Rest assured that the best interest of the Filipino people and the country is foremost in our minds.

Maraming salamat at mabuhay tayong lahat!

Rep. Gary C. Alejano
Magdalo Partylist

 

Hala, lagot kayo.

Belat,

PAB 😂😂😂

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *