Mga Nagawa ni Duterte Para Sa Mga Manggagawa

Dear President Duterte,

Kahapon po araw ng mga manggagawa. Sobrang dami ang nagrally po.

 

Naisip ko tuloy, ano ba ang nagawa niyo para sa manggagawa. Isa-isahin natin.

1. Yung tunay na ENDO na sinabi mo is already dead kahit pa may pinirmahan ka na pekeng ENDO. Bakit? Wala namang bago diyan eh. Bawal na matagal na ang illegal contractualization. Inulit mo lang ang sinabi ng batas. At ang masaklap ang pinirmahan mong draft ay yung galing sa mga employer.

2. Sa Boracay naman 30,000 tao ang nawalan ng trabaho. Yung iba hirap na hirap na. Paano sila mabubuhay eh kaya niyo lang silang bigyan ng trabaho for a month tapos after a month nganga na sila uli.

3. Yung nanganganib na buhay ng mga 260,000 OFW sa Kuwait. Yan ay dahil sa kapalpakan ng mga bloggers mo.

4. Hanggang ngayon wala pa rin kayong plano para sa mga jeepney driver na mawawalan ng sasakyan pampasada.

5. Yung mga mangingisda alanganin pa din sa Scarborough Shoal, kahit na nanalo tayo sa International court. Philippines v. China.

6. Dahil sa TRAIN, BPO industry growth has slowed down.

7. Yung palitan ng peso laban sa dolyar lalong sumadsad. Kumusta naman ang inflation rate? 4.4%? Grabe ang taas ng mga bilihin na.

Aba, sa pahirap na ginawa niyo sa bayan, hindi ko sila masisi kung mukhang demonyo ang effigy ang ginawa nila para sa inyo. Eh ang buhay ng mga manggagawa under your administration ay para na silang nasa impyerno sa sobrang pahirap eh.

Wag puro propaganda, yung totoong trabaho na. Nilulubog niyo na ang bansa.

Yamot Na,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *