Mga Konduktor ng TRAIN Fake News

Dear Undersecretary Lorraine Badoy and Suspended lawyer Trixie Angeles,

Inaasahan ko na na sasali kayo sa pagdepensa ng Duterte Tax Scam or TRAIN, pero hindi ako nageexpect na ganito kababawa ang level of discourse. Ikaw Undersecretary Badoy you posted this. Resibo.

Misleading computation po ito kasi not everything has been factored in. Fuel cost and transport are important in any costing of goods. Resibo.

Taon-taon, tataas ang presyo ng gasolina. Ibig sabihin tataas din ang presyo ng mga bilihin.

Ang hirap sa inyong mga propagandista pinagloloko niyo ang mga Pilipino sa mga impormasyong binibigay niyo. Sige nga kung totoo na yan ang mga presyo ng bilihin, I dare you na magtayo ng tindahan na yan lahat ng tinda yan ang SRP at sa yo na lang kami bibili.

Feeling ekonomista ka eh. Tapos fake news naman pala.

Ikaw naman suspended lawyer Trixie Angeles, ganito ba talaga dapat ang line of reasoning sa debate?

Just for the record during previous administration, maganda ang BIR collection. Resibo.

Sabi mo walang trickle down effect? Sa panahon ni Aquino the economy was good. Pinangalanan pa nga tayo na second fastest growing economy sa Asia eh. Resibo.

During PNoy’s admin fastest growing in Asia ang Pinas. Resibo.

Nangyari ang lahat ng yan without imposing a killer tax gaya ng ginagawa ng Poon mo.

At puwede ba wag kang magpretend na mahirap or hampaslupa, kasi that word hampaslupa is the very same word na ginamit niyo ni Krizette Chu noong inalipusta niyo ako. Resibo.

Tinawag niyo akong katulong. Walang masama maging katulong, masama ang maging matapobre.

For the record hindi ka mahirap. Di ba nga kaya ka nasuspende kasi binayaran ka ng 350,000 for an annulment case pero hindi mo naman nagawa trabaho mo? Resibo.

Hindi mo ginawa ang trabaho mo, ayaw mo namang ibalik ang pera. Mahirap ba yan? Di ba nga may advertisement ka pa nga sa isang magazine. Resibo.

So please lang, wag mag fake news na hampaslupa ka para lang magfit sa narrative na gusto mong palabasin. Wag mo silang gagamitin kasi sila ang biktima sa istoryang ito.

Kasi kahit ano pang  kasinungalingan ang ipagkakalat niyo sa social media, ramdam ng taong bayan ang hagupit ng TRAIN, lalo na sa mahihirap.

Mga Fake News!

Yamot sa mga Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *