Mga Fake News Laban Kay VP Leni, Binabalik Na Naman ng mga Trolls

Dear Troll Farms,

Bakit binabalik niyo na naman ang fake news niyo kay VP Leni Robredo? May bagong order ba ang Baskil Farm at Bukbok Farm? Nagulat kayo no kasi palaban na si VP Leni?

Kaya ang reply ng amo niyo, imbes sagutin ng isyu, magpakalat ng fake news. Sunugin ko isa-isa ang mga pautot niyo ha.

FAKE NEWS #1

Nagphotoshopped kayo para kunwari kinahihiya si VP ng Bicolano pero yung picture ninakaw niyo lang pala. Kadiri mga to!

FAKE NEWS #2

Luh, pinalabas niyo na credit grabber si VP Leni, mismo mo na ang mga organizer ang nagsabi na partner sila with VP Leni Robredo.  Nakakahiya kayo! Eto ang link, basa. Tse!

https://www.operationsmile.org/press-release/world-smile-day-operation-smile-celebrates-35th-anniversary

FAKE NEWS #3

Kunwari hindi partner si VP Leni ng Theresian. Kunwari nag credit grab uli paano yan mga beshie, nag isyu ng statement kaagad ang St. Theresa’s College QC Alumnae Association. Ayan oh, klaro na si VP Leni through the Angat Buhay project of Office of the Vice President is their distribution partner. Para klaro, isaksak niyo ang statement sa baga ng amo niyong “baskil” at “bukbok”!

Hindi ba kayo nahihiya sa pinag-gagawa niyo.

Tubuan sana kayo ng korikong sa parteng di naabot ng kamay sa pagkamot! Mga sinungaling!

Inis sa mga Nagpapakalat ng Fake News,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *