Mga Dahilan Kung Bakit Dapat Iboto Si Pilo

Dear KaPAB,

Mga dahilan kung bakit kailangan natin mailagay si Pilo sa senado according sa girlfriend niya na si Agot Isidro.

 

Bakit natin kailangan ng Pilo Hilbay sa Senado?

– Hindi sya galing sa political dynasty. Humble beginnings ang pinanggalingan niya. Walang politico sa pamilya.

– Hindi nagnakaw habang nasa puwesto.

– Hindi takot ipaglaban ang nararapat. Kahit the odds are against him, basta dun lang sya sa tama.

– Isa syang abogado. Top ng bar noong 1999. Nagturo ng Constitutional Law ng 18 years sa UP. Ano ba ang gagawin sa Senado? Sumulat at ipasa ang mga batas, na naaayon sa Constitution.

On a more personal level, dismayado ako sa mga survey na lumalabas. Medyo dehado siya dun. Ako, nanggigigil. Siya, cool na cool lang. Laban lang. He always tells me, “This needs to be done. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung wala akong ginawa.”

We hardly see each other. Once a week, maybe for a few hours, at times. Kung saan-saan sya pumupunta, may baon na kwento palagi. Minsan, tumatahimik na lang. I know he has seen the many faces of the Filipinos. And he is touched by their lives. He is grateful for the experience, however the outcome. But I really hope you will give him a chance to serve.

To lablab, I am so, so proud of you for stepping up. ❤️❤️❤️

Mga KaPAB, sabay-sabay nating gawing posible ang imposible.

May Pilo sa bawat isang Pilipino.

 

Mas Lalong Ikakampanya Si Pilo,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *