Mga Bagong Idea Sa Pagpuksa Sa Covid19 Nangangamoy Malansa

Dear KaPAB,

May niluluto na naman ang rehimeng Duterte. After na tumaas ang numero ng Covid19 cases, imbes na mag mass testing ang ginawa ay house to house na pupuntahan ng mga authorities.

Ang masaklap para siyang Tokhang Covid19 style kasi ang basis lang ay ang tsismis ng mga kapitbahay.

Paano kung may galit sa iyo ang kapitbahay mo at bigla ka nilang ireport kahit wala ka namang Covid19?

Besides this against our constitution.

“The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable…” Article III, Sec. 2, 1987 Constitution

Ang daming pera, bakit hindi na lang mag mass testing?

Tapos may mga gimik na naman ang troll farms. May patrending na #OustKiko.

Si Senator Kiko ay Chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments. Sa kalagitnaan ng pandemya bakit ito ang hashtag? To oust Senator Kiko to pave way for Cha-cha or Charter change?

May mga taong ganid sa kapangyarihan na gustong mawalan ng election sa 2022. Tagilid kasi ang lagay ng poon sa sunod-sunod na kapalpakan ngayong may pandemya.

Wala pa tayong nafaflatten na curve, utang natin gabundok na. Tapos ang solution sa problema ay Covid Tokhang at Chacha?

Kung yung mga binabayad sa mga troll ay ibayad na lang sa mass testing at sa mga contract tracers? Sana nakatulong pa.

Yamot Sa Mga Incompetent,

PAB