May Umamin Na!

Dear President Duterte,

Kahapon po nabanggit niyo po na isasauli ng mga Marcos a part of their hidden wealth.

Mali po kayo sa pagsabi na hidden wealth because it is an STOLEN wealth. Ninakaw po yan sa atin na ilang dekada na binabayaran pa din ng bawat Pilipino.

Halos $10 billion ang ninakaw ng mga Marcos. Ang narecover palang ng PCGG ay $4.2 billion. Ibig sabihin may $5.8billion. Nung 1987 pa yun ha. Kung lalagyan natin ng interest ng 4% per annum, baka by this time ang perang ninakaw nila would be 18.8 billion na.

Ang tanong ko po, ibabalik ba nila ay 18 billion? I doubt it. Sabi niyo nga a part lang. Kung halimbawa po nanakawan kayo ng 10 million at ibabalik sa inyo ay 2 million lang, magiging masaya po ba kayo?

Puwede po ba magdesisyon naman po kayo na pabor sa mga Pilipino?  Mula sa China hanggang sa mga Marcos laging lugi ang mga taong bayan sa desisyon niyo po eh.

Lahat na lang ng utang na loob niyo kami ang magbabayad. Galit po ba kayo sa Pilipinas? Noong kampanya dami niyong pinangako, pero lahat nganga.

Eto pa nakakatawa, wala pang 24 hours, may iba na namang kwento.

So sino mag aadjust?  Ikaw o si Manga Imee este Manang Imee?

Ikaw naman Sir, wag pabibo, wala naman pala, kung ano-ano agad ang declaration mo.

Balikan muna natin ang anak niyo na si Pulong at ang 6billion na shabu.  Dami nang diversionary tactics eh.

Wag kami, Mr. President. Let’s go back to the bigger issue.

Hindi Palilinlang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *