May Troll sa Quezon City Hall?

Dear Mayor Bautista and Vice Mayor Belmonte,

Hindi ko alam kung tinuturuan niyo ng magandang asal sa socmed ang mga empleyado niyo. Kasi pag bastos ang empleyado reflection yun ng mga bossing nila.

Yung mga pumupuna sa inyo were not troll. Tax payers yan.

Bastos po ang empleyado niyo sa Quezon City PIO. Parang mga troll lang ang tumatao sa socmed account niyo.

Well I understand na lumipat kayo ng partido, pero hindi niyo kailangan gayahin ang pagiging balahura ng iba diyan sa nilipatan niyong partido.

Ang nakakainis pa, mali na nga tinolerate pa ng Department Head niyo. Eto ang explanation niya oh.

Sa lagay na yan maximum tolerance na yan? Luh paano na lang kung naka minimum tolerance? How sure are you na trolls yung mga nagtatanong? They don’t deserve decency e tax nila  ang nagpapasweldo sa inyo di ba?

Sabi niya oh, “you deal with trolls by speaking their language”. So magiging troll din sila?

Eto ba ang pinapangaral ng respetadong Mayor at Vice Mayor ng Quezon City? Sayang ang pera ng bayan kung trolls lang naman ang empleyado na meron kayo.

Yamot sa Bastos na mga Trolls,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *