May Oral Argument na ang Quo Warranto

Dear KaPAB,

Nilabas kanina ang decision ng Supreme Court en banc about sa quo warranto.

Bakit nakakabahala ang ganitong scenario?

Ang quo warranto ay ang processo na kung saan ipapawalang bisa nila ang position ng isang tao. Ayun sa rules of court dapat maifile ito within the year na nasa position ang officer.

Una, alam nating lahat na mapaalis mo lang ang Chief Justice through an impeachment proceedings. Pangalawa, 5 years nang nakaupo si CJ Sereno as Chief Justice.  Kung sakali man iapply ang quo warranto ay hindi na puwede.

Pangalawa, pag naimpeach si CJ Sereno, maaring maglalagay sila ng Chief Justice na pro Marcos at baka maapektuhan ang electoral protest ni VP Leni.

Ang quo warranto case ni Calida ay naka angkla sa kulang daw na SALN na pinasa ni CJ Sereno. Pero base sa records ng Judicial Bar Council, 13 na mga justices ang pinayagan nilang manominate na hindi kumpleto ang SALN. Ibig sabihin basura talaga ang kaso ni Calida.

Binasura nila ang ang unang finile ni Atty. Lozano pero pinayagan ang kay Calida. Ang higit na nakakabahala nadeny ang mga nafile na intervention sa quo warranto, isa lang ang tinanggap yung sa IBP lang, tapos noted lang.

Pangatlo, nakita natin sa lower house hearing kung paano na parang highschool na nagsumbong ang mga associate justices sa internal conflict nila, na hindi naman impeachable offense. Kung magkakaroon man ng oral arguments, hindi ba, dapat lang mag inhibit ang iba gaya ni Associate Justice Teresita De Castro?

Kailangan natin ihanda ang ating mga sarili sa kakalabasan ng kasong ito. Kailangan natin protektahan si CJ Sereno. K

Kung sakaling tuluyang balahurain nila ang ating Saligang Batas, huwag tayong papayag.

Kinabukasan ng bayan ang nakasalalay dito.

Let us all stand with CJ Sereno.

Lalaban Para sa Bayan,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *