May Niluluto Sa Kaldero!

Dear KaPAB,

Ang daming pumuri kay Kaldero kasi gumawa siya ng bill para makapag operate ang ABSCBN kahit 6 months lang.

Busisiin natin ang bill kung ano ang laman?

Pag nabasa mo ang bill makikita mo na ABS-CBN would have to air more government-sponsored commercials until October 31, the day the provisional franchise expires.

Ang bill ni Kaldero ay very specific na dapat 10% daw of the paid commercials or advertisements.

Bakit ayaw niya sa PTV4? Yun puwede propaganda doon.

At kung titingnan niyo ang Section 5, ang provisional franchise ni Kaldero ay para hawakan sa leeg ang ABSCBN.

“A special right is reserved to the President of the Philippines to take over in times of war, rebellion, public peril, etc…”  Ay iba talaga si Kaldero may patake over na alam.

Pinatunayan lang ni Kaldero kung talagang gusto niya mabilis maapprove. Kung hindi pa nag push back ang taong-bayan hindi siya magkara-karakas sa paggawa ng bill. Kung talagang seryoso siya bakit hindi yung 25 years na bill ang simulan niyang dinggin?

Nevertheless, I smell trap sa bill ni Kaldero. Sana mabago pa ito sa second and third reading at sa Senate.

Yamot Sa Traydor,

PAB

 

Facebook Comments