May Nakakulong at Kinasuhan ng Kidnapping sa Kuwait

Dear Secretary Alan “Matet” Cayetano,

Ngayon na nakabalik na ang ambassador from Kuwait, ano ang balak mo sa mga naiwan?

May mga drivers na na nakulong doon dahil sa video na pinalabas ni Thinking Pinoy.

May mga envoy na nasa panganib mahatulan ng kamatayan kasi napasama sa video na ito ni Mocha.

Ayan pala sa balita yung tauhan mo pala na si Ariola ang nagbida bida sa rescue operation na yun.

Political appointee sya na hindi man lang nakapasa sa foreign service exam?

Kaya siguro nagkakanda letse letse ang international relations natin kasi yung mga tao mo gaya ni Mocha Uson, Thinking Pinoy at iba pang tsuwariwap ay mga incompetent.  Ayon sa DFA insider, involved talaga si Mocha at Cato sa rescue mission.

Dahil sa bida-bida kayo, apat na Pinoy ang nakakulong. Alam niyo ba kung paano nakuha ng mga Kuwaiti soldiers ang info sa mga kawawang driver? The Philippines Star alluded to it, saying “it was believed information was forced out of them”.

Alam niyo ba kung ano ang nangyayari sa interrogation, right?

Samantala yung mga may sala at promotor ng gulo ay mabilis pa sa alas-kuwatrong nakalabas sa Kuwait. Si Elmer Cato, Mocha Uson at Sarah Ariola ay safe and sound dito sa Pinas. Pero yung mga kawawang driver, na nakakulong at yung tatlong diplomat ay nanganganib makasuhan ng kidnapping kung saan kamatayan ang parusa sa Kuwait.

Wala kayong awa. Si Mocha, hanggang ngayon nagdedeny pa din na hindi sya ang may kasalanan. Klarong klaro sa video na she promoted it. Kitang kita ang mukha nang isa sa mga diplomat na si Dado. Ayun may kasong kidnapping ang tao.

Ikaw Secretary Alan kasama ng mga alipores mo na si Mocha, RJ Nieto, Sarah Ariolla at Elmer Cato ang dapat sisihin sa nangyayaring kapahamakan sa mga Filipinong  driver na nakakulong. At pag nahatulan ang ating mga diplomat ng kamatayan sa kasong kidnapping, dalhin niyo yan sa konsensya niyo habang buhay!

Yamot sa Pasikat,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *